January 12-16, 2010
KCACTF conference.
SoBRaNG saya!!!
11 kaming pumunta plus 2 faculty. Sobrang gandang experience. Nag-audition ako for Irene Ryan Competition--sobrang saya! Hindi ko expect na ganun pala yung feeling. Ang sarap sa feeling mag-audition. Haha.
Ang hindi ko lang siguro gustong gawin dun e makipagmeet ng ibang tao... hahaha! Kuntento na ako sa mga kasama ko nun... and, besides, nakikipagkilala pa lang din naman ako sa mga kasama ko nung araw na iyon kaya kudos! :)
Medyo may mga naglasingan--mga nagdramahan--mga kung anu-anong ka-immature-an nung week na yun... pero yung group ko-- room 207, ayus na ayus yung samahan haha! tahimik sa room and everything. it's really enjoyable. :)
Nakipagkuwentuhan ako and i got to know them better. Parang Pilipinas lang din pala!
Pero, i was lucky lang na yung mga kasama ko kasi sobrang traditional/conservative people, pero open-minded pagdating sa mga good things kaya ganun yung ugali--open arms and understanding.
So, yeah, I'm thankful na sumama ako, and I am thankful na masaya at mababait mga nakasama ko. Madaling pakisamahan. Yeah! At least hindi ako lost in translation. BWAHAHAHA.
ayun lang ang kwento today. I'm tired. good night.
HTMYTU is an acronym for "how to make your time useful." Please feel free to follow my attempt to kill boredom. Thanks! (Note: This blog does not contain tips on how to kill boredom, but it may or may not make your day. Either way, enjoy!)
Saturday, January 16, 2010
Sunday, January 10, 2010
ang story pt. 2.5
May 16, 2010
-Paul-
Kahapon ko pa ka-text si Junie. Ok naman siyang katext kaya lang parang madaling matapos ang isang topic. Hindi kasi siya nagtatanong, puro lang sagot. Puro tapos. Parang hindi naman ata siya interesadong makipagusap sa`ken. Nung tinanong ko tungkol sa acads niya, sabi lang niya--"ok lang." Anu na sunod na itetext ko? "Ahh..."?
Hindi ko mapigilang ma-bwiset sa sobrang iikli ng sagot niya. Naiirita ako kasi gusto ko siya yung maging sabik na makilala ako. Tingin ko, hindi siya mahilig magtext. Pero yung mga babaeng tulad niya, marami sigurong nakikipagtext sa kanya. Ha! Siguro maraming katext! Boyfriend? Si Drew mismo nagsabing wala siyang boyfriend. Anu ba! Ba't ko ba iniisip `tong bagay na to...
*beep!*
---
Text to: Paul Sorez
Ei. wala q bf. kw? may gf k db? sbi ni mika.
Text from: Junie Vera
---
Mika?! Kapatid ni Drew?? E pano naman niyang nasabing may gf na ako...
...
Drew!!!
Si Drew talaga--kung anu-ano pinagsasasabi. Pinapahirapan talaga ako nung taong `yun. Huh. Kayang-kaya ko naman gantihan sa training, pero hindi dapat. Hiwalay ang personal sa training. Sagrado ang training; doon lang ako nakakapagfocus. Realidad? Mahirap takasan, pero habang nasa training ako, pakiramdam ko, natatakasan ko ang realidad.
---
Text to: Junie Vera
haha. la aqng gf. wg k mnwala sa knila.
bc aq lgue e.
ppnta k b ult kna drew?
Text from: Paul Sorez
---
Sent.
Kahit papaano, pwede naman akong maglibang paminsan.
o-o-o-o-o
May 16, 2010
-Junie-
Text to: Paul Sorez
hmn, lgi na aq ppnta kna mika.
pro lst wk lng kta nkta. lgi k b nsa knla?
pnta aq s wed. kw?
Text to: Junie Vera
---
Hay buhay. Kakaiba talaga feeling kapag may new-found friend. Nasasabik ako sa mga reply niya. Napapaisip ako sa mga sagot ko. Minsan feel kong magtaray. Lagi namang ganun kapag guy katext ko. Napapairing ako sa kakornihan. Si Paul? Parang may gusto akong alamin. Siguro boredom lang talaga `to. Gusto ko lang may maiba sa buhay kong napaka-monotonous. Ang bagal nga lang magreply ni Paul. Nakakainis.
o-o-o-o
-Paul-
Text to: Junie Vera
ah. uu, lgi kmi tmbay kna drew. mjo close n
nga kmi ni mika e. srap asarin. bespren mo un db?
Text from: Paul Sorez
---
Ano kaya gagawin ko ngayong araw na ito? Nakapagsimba na ako kagabi. Nakakakonsensya nga e, hindi ako nakapagconcentrate, panay text ko kasi. Ang tagal ko nang hindi nakakapagtext ng ganitong katagal. Dyahe naman, magkaiba kami ng network. Hindi ko siya matetext bukas.
Pasalamat na lang ako sa weekend promo na 'text any network' ng Talas®, natetext ko siya ng ganito. Magastos kaya 'tong babaeng 'to? P'ano kung mauwi sa date? Wala akong pera. Tae, nakakahiya. Problemahin ko na lang pag dumating. Pwede ko naman pakiramdaman, kung konya masyado, hindi ko na lang itutuloy. Sayang lang panahon at pera ko.
Hindi pa dumadating ang araw na nagkagusto ako sa babae na handa akong magsakripisyo. Phbft! Hinding-hindi darating `yun. Sino ba namang taong may matinong pag-iisip ang magsasayang ng pagod sa isang babae? Mahinang-loob lang ang aabot sa ganun, at hindi ako `yun.
o-o-o-o
-Junie-
Close sila ni Mika? Never namang nabanggit sa akin ni Mika na may kilala siyang Paul, a. Tanong ko kaya si Mika? Di, huwag na lang, mabubuking pa ako na katext ko si Paul. Sabi ko pa naman sa kanya na wala akong pakialam sa mga kaibigan ng kuya niya.
---
Text to: Paul Sorez
tlga? close kau ni mika? gano kclose?
Text from: Junie Vera
---
Ano kaya gagawin ko today? Magsisimba pa ako mamaya. Family day nina Vincent ngayon. Tawagan ko kaya si Robert? Si Mika kaya, busy? Hayyyy! Sana magpasukan na! Nakakatamad na talaga `pag walang magawa! Nood na nga lang ako ng TV.
*beep*
---
Text to: Junie Vera
ndi kmi gnung kclose. kuya lang nya.
tray kc nung frnd mu e.
Text from: Paul Sorez
---
Ah, hindi pala sila close. Ano ba 'to, ano naman irereply ko sa text niya-- "ahhh..."? Hay. Huwag ko na lang kaya reply-an. Manonood na lang ako ng TV.
(makalipas ang 5 minutes)
---
Text to: Paul Sorez
ah. gnda ni mika, nu? type mo?
Text from: Junie Vera
---
Arrrggghhh!!! Bakit ko siya tinext?!?!
o-o-o-o
-Paul-
Hahahaha. Nakakatawa naman `to. May gusto ba ako kay Mika? Hmn? May ichura nga naman siya. Hindi ko nga lang siya type. Hmmm... sabihin ko kaya sa kanya na crush ko si Mika--tingnan natin kung ano reaksyon.
Huwag na lang, gagawa pa ako ng issue. Aasarin pa ako nina Drew. Baka hindi na ako tantanan ni Mika. Pakiramdam ko pa naman may gusto `yun saken. Pasulyap-sulyap, nahuhuli ko naman. Kailangan na talagang mag-iba ng style ng sulyap mga babae, nahahalata ko na masyado e. Hindi na talaga challenging.
---
Text to: Junie Vera
ndi, iba type q.
Text from: Paul Sorez
---
Junie... ano kaya type niya? Parang gusto kong tanungin, pero ayoko pa, masyado pang maaga magtanong. Ayoko magmukhang sabik kasi hindi naman talaga ako nasasabik. Magmemeditate na nga lang muna ako, mamaya ko na siya itetext. Dadating na sina Ate galing simba. Magluluto muna ako.
Mamaya na tayo magusap, Junie. Paniguradong hihintayin mo naman ako, e.
o-o-o-o
May 17, 2010
-Junie-
Tumawag ako kay Alfred kahapon. Tatawagan ko sana si Robert, kaya lang busy phone nila. Matagal nanaman akong nakipagusap kay Alfred. Hahaha. Puro kalokohan lang naman pinagusapan namin e. Ang dami ko nanamang nalaman. May gusto pala talaga sya kay Ekay, akala ko biru-biro lang `yun. Pagkatapos n`un, nakatulog na ako. Madaling araw na nung nagising ako. Hindi ko na nareply-an si Paul. Alam ko tapos na rin naman ang 'weekend txt any1' ng Talas. Haha. Ba't kaya Talas pa yung network na napili niya. Dapat Mundo na lang. Ang dami kong katext na Mundo, e. Pero sabagay, mas maganda naman `yung promo ng Talas. May 'weekend txt any1.' Loyal na kasi ako sa Mundo, mahirap nang bumitaw.
Anyway, wala rin naman akong mapapala kung itetext ko siya ngayon kasi malamang hindi ako rereply-an nun. Magkita na lang kami sa Wednesday, if ever.Nakwento ko rin kay Alfred `yung encounter namin ni Paul. Tinanong niya saken kung paano na daw si George.
Si George?! Ahahaha! Hay naku! Hindi ko talaga siya gusto. Mabait siya, matalino, entertaining, pero wala sa kanya ang hinahanap ko. Pati gusto ko rin naman `yung may ichura. E, si George… hindi ko talaga siya type—ichura-wise.
Well, anyway, gusto ko lang naman maiba. And, besides, hindi ko naman sineseryoso si Paul—we just met! Hahaha.
Oh well, whatever.
Disclaimer: This work is highly fictional. All names, places, or events are figments of my imagination. Anything familiar is purely coincidental—because I said so. -mhaby

ang story pt. 2
May 15, 2010
-Junie-
Kanina habang nakikipagusap ako kay Vincent, `yung isa sa mga super kaclose kong guys sa school, may natanggap akong text. Unknown number.
---
Text from: 0607-834-0078 (??)
Hi. C Paul 2. Ok lng mkpgkaibgn?
To: 0618-234-8888 (Junie Vera)
---
Si Paul? So, hiningi niya pala number ko. Medyo nagulat ako, pero may isang part saken na nagsasabing pinagtitripan talaga nila ako since nung araw na iyon.
Reply-an ko kaya? Ano sasabihin ko?
---
Text from: 0618-234-8888 (Junie Vera)
Hi, Paul. Oo nmn, ayus lng.
Tnx s pgtxt. :)
Text to: 0607-834-0708 (Paul Sorez)
---
Hmm. Ahahahaha! Nakakatawa naman, wala akong maisip na magandang reply. Anong klaseng tanong ba kasi ang "pwede bang makipagkaibigan?" Pwede ko kayang sabihing "hindi?!" Sige na nga, sasakyan ko na lang. Tutal, bored rin naman ako. Sabi naman ni Mika, okay naman siyang tao, kasama ni Kuya Drew sa Taekwondo, pero sabi rin niya may girlfriend na raw. E, bakit kaya nakikipagkaibigan pa saken? Weird naman.
Napapaisip ako, pero tulad ng sabi ko, sasakyan ko na lang. Besides, if ever pinagtitripan nila ako, hindi naman ako masasaktan. Hindi ako ganun ka-naive. Hmp.
Disclaimer: This work is highly fictional. All names, places, or events are all figments of my imagination. Anything familiar is purely coincidental--because I said so. -mhaby.

Saturday, January 9, 2010
ang story pt. 1.5
May 11, 2010
-Paul-
Junie. Pangalan pa lang, parang gusto ko nang kilalanin. Hahaha. Naiimpluwensyahan nanaman ako ng mga kaibigan ko! Hindi naman siya kapansin-pansin talaga, e. Ordinaryo. Pa-keme. Kilos may-kaya ang pamilya. Self-conscious, pero hindi dahil sa akin. Madalas kasi, nahahalata ko agad kapag may gusto saken ang babae. Self-conscious din at medyo pa-keme talaga. `Yung iba pa nga, kakausapin ako hanggang sa maubusan na kami ng mapaguusapan. Nakakasawa. Hindi challenging. Pero, madalas, nadadala ako. Basta maganda, okay na.
Si Junie... parang may ibang dating. May kakaiba sa personalidad niya. Siguro maarte. Siguro masyadong self-conscious sa kahit sinong lalaki. Pero kakaiba. Hindi ko lang matantya kung ano. Hmmm. Bihira lang ako makinig kina Drew... Sa totoo... Hindi talaga ako nakikinig sa kanila. Ito ang natutunan ko sa pagiging isang lider--huwag basta magpapadala sa kung sino lang. Hindi pa umabot sina Drew at Drake sa lebel na iyon. Sa ngayon, ako ang batas. Alam nila iyon. Taekwondo pa lang. Alam ko na iba na dapat labas sa pagtatraining, pero dapat masanay na sila. Hindi ako umabot sa ganitong kataas na posisyon sa madaliang paraan. Pinaghirapan ko ito. Kung mayaman lang sana ako tulad ni Drew, siguro hindi ko na iniisip ang pambayad sa training. Bawat pera at pawis, pinaghirapan ko. Pinaghirapan ng ina ko. Ako, bilang kaisa-isang lalaki sa pamilya. Ako ang tatayong ama dapat. Iyan ang nakatatak sa isip ko.
Pagmamahal? Hindi yan binabasta-basta. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo iiwanan--hindi mo isasantabi. Pasan mo siya hanggang sa huli. `Yan ang alam ko sa pagmamahal.
Hahaha. Teka, may nagtext-- si Drew...
...
Hingin ko raw number ni Junie?
Huh.
Pinagtitripan nanaman ako ng mga `to.
Siguro pwede rin akong sumubok.
Hindi ko naman siya kailangang mahalin agad, e. Kung tutuusin, hindi ko naman siya kailangang mahalin talaga.
Cute siya. Wala pang babaeng bumigo saken.
Eto kaya?
Hmm.
...
Number: 01607-555-8930 (Drew Mattel)
Lul! Trip mo? Uu, qt xa. Paki mo?
Ako muna.
Gagu.
Sent by: 01607-834-0078 (Paul Sorez)
Disclaimer: This work is highly fictional. All names, places, or events are all figment of my imagination. Anything familiar is purely coincidental. Because I say so. -mhaby

ang story pt. 1
May 11, 2010
-Junie-
Kakaiba itong araw na ito. I mean, kakaiba naman lahat ng araw para sa akin. Pero, parang itong araw na `to, mas kakaiba pa sa lahat ng araw ko. Well, ngayon lang naman ako naiwan ng parents ko na mag-isa. Nasa ibang bansa parents ko nga `di ba? Lawyers pareho kasi. Ewan ko ba kung bakit napapunta dad ko sa Middle East, e sa pagkakaalam ko, hindi naman madaling makahanap ng law job doon. Siguro may mission? Hindi naman nila sinasabi sa akin mga bagay na iyon. Hayaan ko na lang siguro. Mom ko naman, nasa U.S. Nakakatawa ngang isipin e. Halos polar opposites trabaho nila. Kahit sila mismo magkaibang-magkaiba. Matagal ko namang tanggap na divorcees sila. Hindi naman ako tulad ng iba na nagrerebelde. Pero syempre, gusto ko rin ng atensyon. Tama nga siguro si tita, mature na ako sa edad kong ito. E sino ba namang hindi, sixteen na ako noh! Senior pa ako sa high school. Isang taon na lang, college na ako. Ewan ko ba, wala namang kasiyahang maidudulot ang pagrerebelde. Sakit lang sa ulo.
Ang dami-dami ko nanamang nakwento, ano? Wala pa akong niisang nababanggit tungkol sa araw ko na ito. Ano ba ngayon? Tuesday. Hahaha. Alam mo, ayaw ko talaga ng araw na ito. Hindi ko naman masasabing 'hatest' day ko, pero mas preferrable sa akin ang ibang araw tulad ng Friday. Hay naku, ewan ko ba.
Ano bang ginawa ko ngayon? Ah... pinuntahan ko best friend ko, si Mika. Naku! Ang saya naman kasi sa kanila e. Laging may tao. Laging may mapaglilibangan. Hindi tulad dito sa bahay, ang tahimik. Lalo tuloy ako nalulungkot.
Kanina, sa kanila, meron nanaman akong bagong nakilala... Sina Paul, Drake, pati `yung bata nilang kasama--si Laurence. Mga kaibigan raw sila nung kuya ni Mika--si Drew. Eh kahit naman si Kuya Drew hindi ko kaclose, pero okay lang naman saken makipagkaibigan. After nun, umalis kami ni Mika. Tinanong niya bigla saken kung may ichura ba si Paul... Nagtaka ako at napaisip. Sino dun si Paul? Sabagay, isa lang naman sa kanila ang pedeng pumasa sa ichura e. Hahahaha. Opinyon ko lang naman `yun. Si Paul? Hmn, sa totoo lang, nung una, hindi ko napansin ichura nilang lahat. Nakakapagtaka naman, nung binanggit lang ni Mila, saka lang ako napaisip. Hahaha.
Hanggang dito na lang muna.
Hanggang sa susunod,
Junie.

darn these recurring memories
bumabalik nanaman ang mga memories na matagal nang nabaon sa limot.
ang tanong...
nabaon ba talaga sa limot?
ang sagot...
oo.
pilit na binaon sa limot, at sa pagkakaalam ko... tuluyan nang nabaon sa limot.
wag niyo nga akong guluhin.
darn!

J.S. Bach
Walang kinalaman sa classical music itong entry na `to.
Gusto ko lang ipaalam ULIT sa sangka-mambabasa ng blog na `to na...
FRUSTRATED PA RIN AKO NA HINDI AKO MARUNONG TUMUGTOG NG MUSICAL INSTRUMENT.
Ayun...
dala lang ito ng conversation namen ng kuya arvin ko...
hindi ko maalala kung nabanggit ko ba ito sa ibang entries ko...
palapit na ng palapit ang conference. nakapagdesisyon na ako... magdadala ako ng laptop...
tamaan man ako ng kidlat.. dadalhin ko pa rin... parte na ito ng buhay ko. haha..
ang maiiba lang naman is.. hindi ko laptop ang dadalhin ko bwahaha.. dahil masyadong mabigat at malaki para sa pride ko... lol..
pride dahil.. alam naman naten na sa mga kaedaran nating ito.. the more konti ang dala mo, the cooler u are.. hahaha!
hindi naman ako humahangad na maging cool ano.. pero sa personality kong ito na ayaw matapat sa spotlight kasi feeling ko enough na ung attention na natatanggap ko... ayaw ko magpapansin bilang taong maraming dalang gamit.. lol. dahil nagagawa ko na yun every semester.. ako na siguro ung taong pinakamaraming dalang books.. hehehe...
ganun talaga....
insecure ako...
kelangang dalhin lahat...
go nerds!
hindi ako nerd...
pero im trying my hardest to be one...
walang aangal...
-m

Friday, January 8, 2010
Ang Tawag Dun--Passion...
Ilang araw na lang at sasabak na ako sa conference ng KCACTF. Sa totoo, hindi ko talaga gusto. Ayaw ko ng pressure--kaya hindi ko binibigyan sarili ko ng pressure. Pero, hindi ko maiwasang isipin kung anu mangyayari saken sa linggong iyon.
Siguro kung maganda lang yung circumstances, mageenjoy ako, pero sa ngayon--I dread that week. I truly do.
Ang KCACTF ay ang Kennedy Center for the American... (sensya, hindi ko alam yung mga next na letters... Meroong Irene Ryan Scholarship Acting Competition. Kasali ako, ngunit dahil hindi ako sanay sa mga competitions pati auditions, hindi ko seseryosohin dahil mabibigo lang ako--pessimisstic nga, pero oh cmon! realistic din ako. Siguro kung hindi iba ang path ko sa buhay... gagawin ko ang lahat para maging maganda performance ko. Pero, iniisip ko rin na--accounting ang dapat na buhay ko... hindi pag-arte... ayaw ko magubos ng efforts sa pag-arte dahil alam kong mabibigo lang ako dahil ako mismo ang tumatanggi sa pagsabak sa industriyang ito.
Kahit nasasabi ko ito, hindi matanggal sa isip at puso ko na gusto kong makasubok ng role na over sa boundaries na nai-set para saken. Ayaw ko na ng pa-sweet. Gusto ko na ng seryosong role. Ayaw ko na ng comedy or satire. Gusto ko ng sobrang seryoso at melodramatic na ibubuhos ko puso ko at matotraumatize ako ng napakatagal.
Gusto ko ng drama.
Hindi pa ako nakakasubok ng drama.
Totoo... The Good Woman of Setzuan--may pagkadramatic and realistic in a way... pero hindi ako maconvince. Sa perspective ko, hindi ko nai-nail yung role na yun na abot nung expectation and satisfaction ko. Gusto ko ng passion.
Ang masama nga lang-- wala pa akong karapatan dahil hindi ko pa napapatunayan sa iba at sa sarili ko na kaya ko ngang ganapin ang mga malalaki at seryosong roles.
Hindi sapat ang mga puri ng ibang tao. May hinahanap akong iba.
Passion.
Wala ako nun...
Hindi ko maramdaman...
Weird... pero totoo...
Scary talaga...
HAHAHAHA. tawa.

Monday, January 4, 2010
2010
There is a movie called 2010, right?
It was produced back in the 1990's. Weird how time flies swiftly as we get older.
One could just wait still as the minutes fly by.
Boredom might be a good thing since it seems to make time move slower.
This is my first entry for 2010.
Sadly, I don't have anything interesting to write about.
Pasukan na naman sa 20th, and I am not looking forward to it.
I have a hidden aspiration, but I still have to figure out kung talagang aspiration ito or mere 'career infatuation.'
My mind is an enigma even to me, eh--if no one has noticed pa.
There are times that I get frustrated if I can't think of anything useful to write. Now, I just gave up thinking. I'll just wing through this entry talking about nonsense as usual.
My perfectionist personality can really eat you up.
Personally, I don't mind other people making mistakes, but when I make mistakes myself, it pisses me off amazingly.
My worst critic other than my mom is myself.
Siguro it is good in a way since I try my best to avoid mistakes. The worst excuse that I could make myself say is: "sorry, tao lang..."
Eh, tao ka nga e... kaya nga dapat mas magaling ka na being. Ano pa ba ang mas hihigit pa sa pagiging tao? Mga diyos at diyosa? Eh, paano yun... wala naman silang ginagawa kundi bantayan ka. I think it's the most pitiful excuse a person can say. It's the lamest excuse among all excuses.
However, I don't think I could make anything better by just complaining.
Ngayon, I need to find a job. If not, then it's better if I'd just drop dead.
Pero, dahil hindi naman ako nagdodrop dead so far, I guess I have to continue living torturing myself of aspirations that I don't know how to achieve. I lack motivation.
I need motivation.
Now...
I suddenly decide to change the topic.
Ang dami kong naririnig na magagandang j-drama quotes, and probably k-drama na rin since I mix them up lang naman.
I wonder kung merong mga Indian dramas din? Or Arabic dramas...
It would be kind of interesting to watch their stuff, noh?
However, puro mga kababawang lovey-dovies mga napapanood ko... so sweet, though... pero... hmn... I guess I should just force myself to watch deeper-thought dramas. Yung talagang realism--which I find hardcore since I always like to submerge myself to the world of fiction. Fun, kasi.
Anyway, I gotta go and take out the mail now. Kahit na dumaan na siguro yung mailman.
`til next time!
Happy New Year.

Subscribe to:
Posts (Atom)