Friday, January 8, 2010

Ang Tawag Dun--Passion...

Ilang araw na lang at sasabak na ako sa conference ng KCACTF. Sa totoo, hindi ko talaga gusto. Ayaw ko ng pressure--kaya hindi ko binibigyan sarili ko ng pressure. Pero, hindi ko maiwasang isipin kung anu mangyayari saken sa linggong iyon.
Siguro kung maganda lang yung circumstances, mageenjoy ako, pero sa ngayon--I dread that week. I truly do.

Ang KCACTF ay ang Kennedy Center for the American... (sensya, hindi ko alam yung mga next na letters... Meroong Irene Ryan Scholarship Acting Competition. Kasali ako, ngunit dahil hindi ako sanay sa mga competitions pati auditions, hindi ko seseryosohin dahil mabibigo lang ako--pessimisstic nga, pero oh cmon! realistic din ako. Siguro kung hindi iba ang path ko sa buhay... gagawin ko ang lahat para maging maganda performance ko. Pero, iniisip ko rin na--accounting ang dapat na buhay ko... hindi pag-arte... ayaw ko magubos ng efforts sa pag-arte dahil alam kong mabibigo lang ako dahil ako mismo ang tumatanggi sa pagsabak sa industriyang ito.

Kahit nasasabi ko ito, hindi matanggal sa isip at puso ko na gusto kong makasubok ng role na over sa boundaries na nai-set para saken. Ayaw ko na ng pa-sweet. Gusto ko na ng seryosong role. Ayaw ko na ng comedy or satire. Gusto ko ng sobrang seryoso at melodramatic na ibubuhos ko puso ko at matotraumatize ako ng napakatagal.
Gusto ko ng drama.
Hindi pa ako nakakasubok ng drama.
Totoo... The Good Woman of Setzuan--may pagkadramatic and realistic in a way... pero hindi ako maconvince. Sa perspective ko, hindi ko nai-nail yung role na yun na abot nung expectation and satisfaction ko. Gusto ko ng passion.
Ang masama nga lang-- wala pa akong karapatan dahil hindi ko pa napapatunayan sa iba at sa sarili ko na kaya ko ngang ganapin ang mga malalaki at seryosong roles.

Hindi sapat ang mga puri ng ibang tao. May hinahanap akong iba.
Passion.

Wala ako nun...
Hindi ko maramdaman...
Weird... pero totoo...
Scary talaga...

HAHAHAHA. tawa.

-m

No comments: