May 11, 2010
-Junie-
Kakaiba itong araw na ito. I mean, kakaiba naman lahat ng araw para sa akin. Pero, parang itong araw na `to, mas kakaiba pa sa lahat ng araw ko. Well, ngayon lang naman ako naiwan ng parents ko na mag-isa. Nasa ibang bansa parents ko nga `di ba? Lawyers pareho kasi. Ewan ko ba kung bakit napapunta dad ko sa Middle East, e sa pagkakaalam ko, hindi naman madaling makahanap ng law job doon. Siguro may mission? Hindi naman nila sinasabi sa akin mga bagay na iyon. Hayaan ko na lang siguro. Mom ko naman, nasa U.S. Nakakatawa ngang isipin e. Halos polar opposites trabaho nila. Kahit sila mismo magkaibang-magkaiba. Matagal ko namang tanggap na divorcees sila. Hindi naman ako tulad ng iba na nagrerebelde. Pero syempre, gusto ko rin ng atensyon. Tama nga siguro si tita, mature na ako sa edad kong ito. E sino ba namang hindi, sixteen na ako noh! Senior pa ako sa high school. Isang taon na lang, college na ako. Ewan ko ba, wala namang kasiyahang maidudulot ang pagrerebelde. Sakit lang sa ulo.
Ang dami-dami ko nanamang nakwento, ano? Wala pa akong niisang nababanggit tungkol sa araw ko na ito. Ano ba ngayon? Tuesday. Hahaha. Alam mo, ayaw ko talaga ng araw na ito. Hindi ko naman masasabing 'hatest' day ko, pero mas preferrable sa akin ang ibang araw tulad ng Friday. Hay naku, ewan ko ba.
Ano bang ginawa ko ngayon? Ah... pinuntahan ko best friend ko, si Mika. Naku! Ang saya naman kasi sa kanila e. Laging may tao. Laging may mapaglilibangan. Hindi tulad dito sa bahay, ang tahimik. Lalo tuloy ako nalulungkot.
Kanina, sa kanila, meron nanaman akong bagong nakilala... Sina Paul, Drake, pati `yung bata nilang kasama--si Laurence. Mga kaibigan raw sila nung kuya ni Mika--si Drew. Eh kahit naman si Kuya Drew hindi ko kaclose, pero okay lang naman saken makipagkaibigan. After nun, umalis kami ni Mika. Tinanong niya bigla saken kung may ichura ba si Paul... Nagtaka ako at napaisip. Sino dun si Paul? Sabagay, isa lang naman sa kanila ang pedeng pumasa sa ichura e. Hahahaha. Opinyon ko lang naman `yun. Si Paul? Hmn, sa totoo lang, nung una, hindi ko napansin ichura nilang lahat. Nakakapagtaka naman, nung binanggit lang ni Mila, saka lang ako napaisip. Hahaha.
Hanggang dito na lang muna.
Hanggang sa susunod,
Junie.
Disclaimer: This work is highly fictional. All names, places, or events are all figment of my imagination. Anything familiar is purely coincidental. Because I say so. -mhaby
No comments:
Post a Comment