Thursday, December 31, 2009

Happy Year 2010, Pilipinas!

Happy New Year!!!

Medyo late na itong entry ko para sa New Year sa Pilipinas. Appox. 6 pm na dito samen. Oh well. At least nabati ko na mga kaibigan ko dun--I think.
Kung hindi-- HAPPY NEW YEAR, FRIENDS!!! Sensya, hindi uso saken ang GM this year.

May party akong pupuntahan (more like, dadaanan) mamaya. Wala kasi dun yung idol ko e--si Becca dear. Bibigyan ko na lang ng pagkain yung mga magpaparty. Haha! Delivery? And besides, mao-OP ako big time since wala karamihan sa mga loves ko sa party na iyon. Iilan lang. Yung may-ari nung bahay syempre isa sa mga yun. Pero, tingin ko tatamarin lang ako since hindi naman ako party girl.

Wala akong gift na dala syempre, kasi tinamad akong mamili ng gifts. Argh. Saka na lang siguro-- sa KCACTF event na magaganap sa gitna ng January. Ni hindi ko man lang alam kung anung date. Kaya nga may planner ako e, diba? E kaya lang... Chronic na `tong pagiging tamad ko. Hindi ko alam kung kailan ako gagaling. Gusto ko maging tamad for the meantime.

Nakakaadik pala ang pagiging tamad. No wonder marami-rami rin ang bum sa mundo. Ayoko maging bum! Huhu. Ang sad naman.

Nalulungkot ako dahil nawawala na yung pag-asa ko sa pag-arte. Sobrang wala na akong motivation para sa competition ng KCACTF. Natutuwa ako at nanominate ako--pero kilala ko sarili ko... kuntento na ako sa acknowledgment sa gawa ko. Kuntento na akong marecognize kahit miminsan. Hindi ako natural na attention-seeker. Pero sapat na ba ito na dahilan para isipin kong hindi ko na kailangang paghirapan ang scholarship audition?

I wonder.

Hindi ito sapat na dahilan para sa karamihan. Usually, though, sapat na ito para saken. Ang yabang ko. Nakakainis. Alam kong nageexist sa sistema ko ang kayabangan at katamaran, pero parang wala naman akong ginagawa para maalis ito. Sabagay, kumpara naman kasi sa iba... hindi naman ganun kalala yung katamaran ko pati kayabangan ko. Pati, kung tutuusin nga naman...hindi ganun kalakas ang kagustuhan kong makuha yung scholarship na yun. Kung makuha ko man yung scholarship na yun--aba! HIMALA! Magtataka ako ng sobra-sobra. Matatawa. Matatakot. Maiiyak.

Irene Ryan Scholarship...

Universal principle ang gawin ang the best with everything. Kaya naman kung kakayanin e. Kaya lang... may mga circumstances na hindi ko maiwasan. Isa na dun ang katamaran, pero ang pinakamalaking hadlang e ang scheduling. Wala akong partner. Nasa California sila ng boyfriend niya. Inevitable circumstance ito. Naibigay ko naman sa kanya ang mga script na kailangan naming memorize-in e. Ito ang ayaw ko sa mga auditions e. Hindi ako trained para sumali sa mga auditions. Hindi ko gamay ang mga kahinaan at expertise ko.

Wala akong alam.

Sigh.

Hindi magtatagal, malalaman ko rin ang mga bagay na malakas ako. Puro kahinaan lang kasi ang naiisip ko e. HAHAHAHA. As always. Akong-ako ito. Puro criticism sa sarili na lang ang naisip ko. HAHAHA. Typical.

However, dahil doon, nadidisappoint ako sa mga taong nadadaig ko. Nakakadisappoint dahil alam kong mahina ako, pero ang malaman na may worse pa sa akin--hindi ko maarok. HAHAHA---ppy New Year. Iyon lang ang masasabi ko. Hanggang dito na lamang.

>
:)

2 comments:

kirara said...

nung nabanggit mo yung 'party' na dadaanan mo jan..naiimagine ko lagi yung mga house party pag sa mga hollywood movies..yung tipong ang daming tao sa loob..may mga red and blue cups na mga alak ang laman..tsaka halos wala ring magkakakilala sa loob ng bahay na nagpaparty..heheheh..

happy new year nalang jan!!..heheheh..

jonbade said...

Focus on your strengths not on your weakness :D