Wednesday, December 30, 2009

The 30th

101st entry ko na to sa blog ko.

Honestly, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawing entry. Dahil sobrang pabago-bago na utak ko magpakailanpaman. Kung napapansin niyo, minsan Ingles ang blog entries ko, minsan purong Tagalog. Pagpasensyahan niyo na lang siguro ang pabagu-bago kong isip.

Kakabasa ko lang ng Puwang ni Ar-Ei--I can never get the blog's name right.
Natutuwa ako sa mga nasulat niya--lalo na nung Dec 28. Kahit hindi ko kilala yung mga nabanggit niya doon, iimagine-in ko na lang.
Alam ko nakapagsulat na ako sa In the Eyes of Wonder, ngunit, tulad ng sabi ko, hindi naman sya ganun kaelaborate. Puro overviews lang ng kahit ano. And besides, magooverlap naman karamihan sa mga entries.

Manunuod ako ngayon ng Real Women Have Curves since medyo nasasawa na akong panuorin ang Nodame Cantabile. Nawawala na ako sa focus e. Panglimang beses ko na yatang napanood ang Hana Yori--hindi ko pa rin memorize ang sequence, pero minsan nakakasabay na ako sa mga linya nila--syempre in English.

Anyway, nawawala nanaman ako sa focus ng entry na to... wala naman talaga akong particular theme maliban sa pagaacknowledge sa blog ni RA. Nagwebcam ako kanina--na ginagawa ko naman usually kapag bored ako--dala na rin ito ng pagkavain ko. Masayang maging vain. Nakakafrustrate lang minsan kapag hindi mo nagagawa yung gusto mo talagang gawin.

Magtu-2010 na. Ilang taon na lang, matatapos na ako. Ilang buwan na lang, 20 na ako. 2 dekada. Ni wala pa akong malaking achievement na nagagawa sa buhay ko. Mayrong mga breakthroughs--pero it isn't enough. Sabagay, nothing's ever enough naman saken. Lalo na kung nagsimula na akong mangumpara sa mga kaedad ko.

Ang tanong ng utak ko: Kaya naman nila, bakit kaya hindi ko kaya? Bakit sila? Bakit hindi ako? Bakit, bakit, bakit?

E kung sana hindi na lang "Bakit?" ang tanong ko--kundi: "Ano kaya pwede kong gawin?"

Wala lang siguro sa nature ko ang maghanap ng paraan. Marunong ako magdamage control. Napansin ko iyon sa sarili ko. Ang nakakakonsensya lang ay isang paraan lang ang "damage control" sa pagtakas sa problema. Oo, nakatakas ako sa trouble, sa problema, pero siguro may mas rewarding pa para saken kung hinarap ko na lang mismo ang problema. Kaya lang, takot akong masaktan. Hindi ako ganun kalakas para magtake ng risk, kumbaga.

Siguro oras nang magtake ng risk. Pero, paano?

Paano...

Iyan na muna ang beginning question ko ngayong taon.
Imbes na yung usual na "bakit?"...sisimulan ko sa tanong na "paano?"
Dahil tulad rin yan ng pag-ibig (warning: may contain cheesiness):

"Hindi kita tatanungin kung bakit mo ako minahal; hindi mo naman masasagot iyon e... ang gusto ko lang malaman--at kung pwede, sabihin mo sa akin ang totoo--paano mo ba ako minahal? paano? Hindi ko kasi naramdaman. Matagal na kitang pinagmasdan, pero wala akong naramdaman... bakit wala akong naramdaman? paano mo ba ako minahal?" -quote sa unfinished product (orig.)

The End.

No comments: