Dear Fave Internet Friend a.k.a Cath M.,
Haha. Ikaw na siguro ang kaisa-isa kong internet friend ever. Nagsimula lang sa paghahanap ng koneksyon (a.k.a insider) sa school ng ex, napunta sa pakikipagusap ng matagalan saken sa net. Hindi ko sure kung bakit tayo naging close sa net, pero sure ako na I'm looking forward to meeting you personally someday. At sana, graduate ka na rin nun haha!
Kamusta ka naman ba sa major mo? Mas nageenjoy ka na ba ngayon kaysa sa major mo dati? Alam kong wala ka pang serious love life ulit ngayon, pero I'm pretty sure darating din yun someday.
H'wag kang masyadong magiiinom, a? Masisira diet natin dyan!
Namimiss ko na yung kwentuhan natin. Alam ko na sabi mo saken na panoorin ko yung Personal Preference ni Lee Min Ho. Ang masasabi ko lang, hindi ko sya trip (si LMH, I mean). For some reason, hindi ko sya trip...
LOL. I know... magulat ka.
Anyway, hanggang dito na lang muna, friend...
Chat-chat ulit tayo soon! :-)
Miss you!
Love to the nth,
Mhaby

No comments:
Post a Comment