Monday is done.
Nakita ko na yung final grade ko.
Hindi sya maganda. (3.95 - never ako nagkaron ng ganyang grade, hindi sa pagmamayabang pero 4.0er ako...)
Nakasagutan ko yung ate ko na matalas yung tenga... tas ako pa raw yung matalas yung tenga a... alam mo yung masama run... napaka...!#%$% (nagkakasundo naman kami minsan, pero minsan talaga nakakapikon... oh well... e dahil mas magaling sya, mas matalino, MAS sa lahat... mas generous, mas may pera... syempre kailangang 'magpakumbaba' -- pero mas napagiisa at mas matangkad pa rin ako sa kanya., hehe).
I have feeling na yung Type A personality ko... e dahil sa ate ko. Umiiyak ako pag natatalo ako, pag may hindi ako nagagawang tama, kapag may mas magaling saken (pero nageget over ko lahat yan in time) dahil na rin siguro sa ate ko, dahil forever na ako nakumpara sa kanya (nung bata ako lalo na, recently kasi hindi na masyado). Ayoko talaga maging 'the lesser one'. Ayoko.
Hindi ko gusto, at hindi dapat. Alam kong hindi ganun kagaling yung memory, logic, and reasoning ko noh, kaya nga feeling ko hindi makatarungan kasi hindi ako nabiyayaan ng ganun.
Pero imbes na hayaan ko na lang. Gagawin ko ang lahat para mas umangat. Dahil hindi ako talunan. Hindi ako yun.
-mhaby-
No comments:
Post a Comment